Iyong salitang matsakaw, parang Intsik ang tunog, ‘di ba?
Dami ko nang ni-research na mga salitang tungkol sa pagkaing Intsik, mga putahe nila, at iba’t-ibang sangkap. Hindi ko makita ang anumang relasyon sa matsakaw, iyong medyo matamis at malutong na day-old tinapay na bina-bargain sa mga panaderia.
Mali pala ang tinitingnan kong kultura! Kahapon ay inimbita ako ng isang kaibigan na mananghali sa restorang Mehikano. Habang binabasa ko ang menu, napansin ko ang isang putahe nila, machaka.
Wow, ika ko sa sarili. Ito na siguro ang sagot sa matagal ko nang hinhanap na pinagmulan ng matsakaw!
Ang machaca ay hiniwa-hiwang piraso ng karneng baboy o baka, tinimplahan ng iba’t ibang rekado, at iniluto nang matagal sa hurno. Sa ganoong paraan, pwede itong i-imbak nang matagal.
Kapag kailangan, ang machaca ay sinasariwa sa kaunting tubig, hinihibla-hibla, at isinasahog sa pagluluto ng maraming putahe, tulad ng taco, burrito, enchilada. Madalas as igini-gisa ito sa sibuyas at inihahain kasama ng pritong itlog.
Hindi ba, kahawig ng matsakaw sa panaderia natin
ang machaca ng Mexico?
http://thecrepesofwrath.com/images/2012/04/Machaca