Daming SIBUYAS sa Mongolian Beef!

Isa sa mga paborito kong order sa Chinese restaurant ay MONGOLIAN BEEF.  Ewan ko kung gustuhin din ito ng mga kabayan natin sa ‘Pinas, dahil maraming sahog na sibuyas: ordinaryong sibuyas dilaw, at mga murang sibuyas (green onion).   

 
Sige nga, aminin ninyo na: kayo ba ay kabilang sa mga nagtutulak sa tagiliran ng plato ng mga sahog na sibuyas, bawang, kamatis, atbp.?
Bakit ba?  Hindi naman masama ang lasa ng mga gulay na ito, at may flavor din ng anumang timpla na ginamit sa pagluluto ng putahe.
 
 
Mula nang mabasa ko na bahagi ng diyeta ng mga trabahador sa Egyptian pyramids ang tinapay, sibuyas, at serbesa, nagpasiya ako na kakain ako ng sibuyas tuwing may pagkakataon.  
 
Bagong impormasyon, ayon sa http://www.timetrips.co.uk/pyramids-home.htm:
Mga ordinaryong mamamayan ng Ehipto — hindi mga alipin — ang nagtayo ng mga pyramid.  Buong puso silang nagbigay ng pagod sa kanilang Pharaoh, upang siguruhin ang matiwasay na pagpunta nito sa kabilang buhay, at magpatuloy ang pag-unlad ng bayan nila sa ilalim ng susunod na pinuno.
 
Bilib ako sa paniwala nila na mahusay itong proteksyon sa maraming karamdaman, kasama ang sakit ng ulo, sipon, ubo, hika, atbp.  Siempre, kung may seryosong sakit ang isang tao, kailangan ang payo ng doktor;  pero kung malusog naman tulad ko, sa palagay ko’y walang mawawala kung kainin ko ang lahat ng sibuyas na sahog sa pagkain.
Ayon sa National Onion Association sa America, ang sibuyas ay napatunayan na mataas sa Vitamin C at fiber.  Nakakatulong din daw ito pagbabalanse ng sugar level sa dugo.  Isa pang kabutihan ng sibuyas, sabi ng mga siyentipiko sa University of California / Berkeley, ang sibuyas ay mayroong quercetin, isang anti-oxidant na nakakabara sa pag-buo ng cancer cells.
Ang salitang SIBUYAS ay hinango natin sa Kastilang cebolla.
Bakit kaya nabago ang tawag natin sa gulay na ito?  BAWANG ang pangalan nito sa salitang Indonesian at Malay.  Bago dumating ang mga Kastila noong siglong 1500s, marami tayong gulay na bigay ng mga ninuno natin mula sa katimugang karagatan.  Dinala ng mga taga-Indonesia, Malaysia, at India sa ating mga pasigan ang kanilang kultura, pananalita, pagkain, atbp.
At saka for your information, ang garlic ay BAWANG PUTIH sa salitang Indonesian at Malay.
Ayon sa kaalamang kalawakan, may tatlong klase ng sibuyas:  puti, dilaw at pula.  May mga recommended na gamit sa bawa’t klase ng sibuyas; tingnan ninyo lang sa mga recipe, para sa pinaka-masarap na resulta.
Mixed onions.jpg
By © User:Colin / Wikimedia Commons, CC BY-SA 3.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=26689765
Sa mga palengke sa Pilipinas, iba-iba ang pangalan ng sibuyas:  sibuyas Tagalog, sibuyas Bisaya, sibuyas Bumbay, sibuyas Kastila.   Siempre, naroon din iyong sibuyas puti, sibuyas pula, at sibuyas dilaw.  Madalas ay dalaw ang tawag sa isang klaseng sibuyas.  Nakakatuwang isipin ang mga leksiyon na maaring matutunan tungkol sa food origins, geography, at world history sa pagtingin lang ng sibuyas!
May isang uri pa rin ng sibuyas na kung sabihin ay kapareho din ng mga nabanggit sa itaas, kaya lang ay hina-harvest ito bago gumulang.  Pero ayon sa ibang babasahin, ang green onion / scallion o berdeng sibuyas ay katangi-tanging uri ng tanim na ito, hindi lang basta immature o murang bersyon ng ordinaryong sibuyas.
Kamakailan lang, nagluto ako ng arroz caldo.  Walang luya sa bahay, pero mayroon sa fridge ng  kapirasong turmeric (luyang dilaw, gamit ko sa paggawa ng inuming Bali Elixir).   Ginamit ko iyon, at natuwa ako sa naging resulta.  Ganda ng kulay ng sabaw, parang nilagyan ng atswete o kasubha!  Siempre, binudburan ko ng kaunting green onion bago isilbi.  Yum!

 

Advertisements

2 responses

  1. Mahilig din ako sa sibuyas at bawang! Sa tuwing kakain kami, lagi kong kinukuha agad ang mga sibuyas. Minsan nga binibigay pa sa akin ng kapatid ko. HAHA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s