KASUY info in pictures

Sentimental journey ang gagawin ng kaibigan kong si Virgie sa Nobyembre. Thirty-eight years daw siyang hindi umuwi sa ‘Pinas.  
Since sa Antipolo City  ang tuloy niya, sabi ko ay bumisita siya sa simbahan at magpasalamat sa biyaya ng muling pagtuntong sa ating bansa.
Ang imahen ng Our Lady of Peace and Good Voyage.
Idagdag na rin niya ‘kako ang paglusong sa swimming pool ng Hinulugang Taktak,
na ni-revive ng lokal na pamahalaan.

thepinaywanderer.com

Siempre, bibili siya ng pasalubong para sa akin, ano?   Nariyan ang sikat na suman sa ibus, turon at espasol, at mga garapon ng malutong na kasuy!

Alam ba ninyo na ang KASUY ay tubo sa Brazil?    Ang Ingles na cashew ay mula sa Portuges na caju (bigkas: kads-yoo), na hango naman  sa  acaju,  salitang Tupian para sa prutas na ito.  Ang mga Tupi isa sa mga katutubong tao sa Brazil.

“Cajus in Fortaleza”          http://www.lan.com/onlyinsouthamerica/gallery/page/4/
 

Ang pangalan ng kasuy ay hango sa salita ng mga taong Tupian.
Sila ang nakatira sa baybay Atlantico nang unang dumating ang mga explorer na Portuges noong siglong 1500.
Dinala ng mga Portuges ang tanim na kasuy sa ibang lugar na sinakop nila, tulad ng Goa, India.  Mula rito ay kumalat ang tanim sa maraming parte ng Southeast Asia.

 

Hanggang Pilipinas ay nakarating ang mga barko ng mga Portuges na negosyante noong panahon ng Kastila.  Bukod sa mga paninda ay nagdala sila ng mga pananim (tulad nga ng caju) at mga lutuin (tulad ng bebinca).

 

 

Ang Mozambique ay isa pa ring colony ng Portugal.
Dito nagmula ang paglaganap ng kasuy sa Africa.


By Vinayaraj (Own work) [CC BY-SA 3.0 (http://creativecommons.org/licenses/by-sa/3.0)], via Wikimedia Commons
Magugulat kayong malaman na una palang lumalaki ang buto ng kasuy,
kaysa sa makatas na kalamnan nito.
Cashew apples.jpg
Abhishek Jacob
“Cashew apple” ang tawag sa makatas na bahagi ng kasuy.
Noong unang panahon, and salitang “apple” ay katumbas ng “fruit.”
Sa mga bansang nagsasalita ng Kastila, marañón ang tawag dito.
Makakabili ng hilaw at binusang kasuy sa mga palengke, sa sidewalk vendors, at sa mga naglalako sa kalye.   Noong 1970s, nagtinda ng kasuy wine ang Bureau of Plant Industry sa Maynila.

 

Advertisements

One response

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s