On Sale Ang KAMOTENG KAHOY!

May lakad ako sa linggong ito:  all-day assignment sa aking interpreting job.

Nang makita ko na baratilyo sa Pilipino grocery ang mga pakete ng frozen kamoteng kahoy (3 piraso, binalatan na at ready-to-cook, $0.99), nagpasiya ako na mag-baon ang minatamis na kamoteng kahoy.  Pwedeng meryenda, pwede ring tanghalian kung may ulam na ilang pirasong tocino.

 
Napakadaling iluto ang minatamis na kamoteng kahoy.  Ilagay sa isang kaserola ang kamote, isang kono ng panutsa, at sapat na tubig upang ilubog nang kalahati ang mga piraso.  Pakuluin, ilagay sa medium ang init ng kalan, at hayaang lumambot ang kamote.  Maigi kung bibilingin ang mga piraso para pantay ang tamis sa harap at likod.
 
Ang kamoteng kahoy ay natibong tanim sa katimugang Brazil.   Ang tawag nila dito ay manioc, manihot, yucca, cassava, tapioca, at Brazilian arrowroot (uraro, ika ng natin).    Karaniwang tawag dito sa Pilipinas ay KAMOTENG KAHOY.  Sa ilalim ng lupa ito lumalaki (tulad ng kamote) at tumataas ito (tulad ng ibang punong-kahoy).
Manihot esculenta - Köhler–s Medizinal-Pflanzen-090.jpg            
https://en.wikipedia.org/wiki/Cassavahttps://en.wikipedia.org/wiki/Cassava

Ikinalat ng mga tao at hayop ang mga buto nito, hanggang naging laganap
sa Mesoamerica, kung saan kabilang ang mga modernong bansa ng El Salvador, Guatemala, Honduras, Belize, at Mexico.  
Mula sa Mexico, dinala ng mga Kastila ang tanim na ito sa Pilipinas.

Itinuturo ni Jerry Coleby-Williams ng Brisbane, Australia
ang panibagong paraan ng pagpapa-ugat ng mga bagon tanim
na kamoteng kahoy.

Tabunan nang mababaw ang ilang tangkay.  
Siguraduhing palaging
maligamgam ang lupa.   Pag-usbong ng 
bagong, tanim,
putol-putulin at itanim nang hiwa-hiwalay. 
 
File:Disease-Resistant Cassava Revives DRC Agriculture.JPG
Dinala ng mga negosyanteng Portuges ang manioc mula sa Brazil papuntang Africa, kung saan naging pangunahing pagkain
ito ng maraming populasyon.  Nakakabusog ito, ngunit kulang sa sustansiya tulad ng protein.   
 
 
Wari ko ba, laging pumapasok sa isipin natin ang minatamis kapag nababanggit ang kamoteng kahoy. Sana ay maging adventurous naman tayo, at alamin ang mga paraan ng pagluluto nito sa ibang bansa.

Sa Google o Safari, i-type lang ninyo ang “ways of cooking cassava,”  at mamili kayo ng recipe na gusto ninyong subukan!

Advertisements

Catch of the Day

We pride ourselves on having the freshest fish around.
Our specials change daily based on the catch of the day. 
Check back here or follow us on Facebook 
for unique limited time dishes and special news
The statement above is the opener for the website of a popular restaurant in the US East Coast.  It pretty much explains the concept of “catch of the day.”  Whatever the fisherman delivers in the morning is the day’s “special,” which is usually — but not always — the cheapest offering on the menu.
 
For me, “catch of the day” can mean buying whatever is least expensive in the market and building a dish based on what ingredients were available at a good price.  The purchase(s) can be meats, vegetables, or other meal-building inputs.
 
My last trip to a market in Concord, CA yielded, among certain staples, a tray of salmon trimmings.  I’m not really into fillets of fish; they look too much like meat!  I rather like other parts of the fish which, to me, are tastier AND more economical.  Look at the price of what turned out to be a very satisfying lunch for me and my friend Lori.  
When I saw this tray of salmon trimmings, I decided to make pinangat na isda, AKA poached fish.  I have included in the photo above the other items needed to make the dish:  a couple of tomatoes and some onion.
On a medium-deep pan, I layered sliced onions and sliced tomatoes.No water was required, because the moisture would come from these ingredients, AND the fish.

Do you see the yellowish liquid on the slices of salmon?  That’s the patis (fish sauce).   In Thai cookery, this seasoning is called nam pla; to the Vietnamese, nuoc mam, and in some parts of Indonesia, petis.  

 

The ancient Greeks and Romans  — who so loved it that they often used it to season their pastas — called it by two names: garum and liquamen.  The fish sauce “factories” of their period were located along the Mediterranean coast, where there was plenty of fish to ferment in vats under the bright sunshine.  Most notable among the fish sauce centers is Antibes, near Cannes and Nice in France.

 

Here’s a plated lunch, which my friend Lori said completely satisfies her craving for fish.
With a slice of ripe mango for dessert, we were all set!
 
 

Mag-garden Tayo sa Paso

Nasa bahay ako ng mga kaibigan sa Davao nang napansin kong lumabas ang anak habang nagluluto ang ina.  Tanong ko, “Saan pupunta si Amanda?”

Ang sagot: “Sa kanto, bibili ng kamatis.”

May malawak na lupa sa likod-bahay ang pamilyang ito. Halos wala namang tanim sa bakanteng lugar; winawalis ng katulong araw-araw, kaya naging matigas na ang lupa sa kawalan ng topsoil.

“Bakit hindi ka magtanim ng kamatis sa likuran? Ang laki ng bakuran mo, pwede kang magkaroon ng gulayan,” suggestion ko.

“Abala lang iyon,” sagot ng Misis.

 

Wa na ‘ko say!  Mas gusto pa nilang gumasta para bumili ng pansahog, at pabayaang naka-tengga ang lupa sa likod-bahay.   What’s wrong with these people?

Ako po ay nakatira sa hilagang California, isang oras ang layo sa San Francisco. Di tulad ng mga kakilala ninyo sa Daly City (kung saan laging mahamog at hindi pwedeng makabuhay ng kamatis at iba pang gulay), ang tinitirhan ko ay masagana sa araw kapag sumampa na ang Spring, at lalo na kung Summer.  
 
Siguro ay dala ng kawalan namin ng lupa sa Maynila, kaya ako’y sabik na sabik magtanim ng mga gulay.  Hindi kailangang maghanap ng mga pakete ng buto para makapag-umpisa ng maliit na gulayan.  Sa totoo lang, isa o dalawang puno ng kamatis ay tama na para sa pangangailangan ng isang kabahayan.
Kapag may nagamit kayong mahusay na klaseng kamatis, i-save ninyo ang buto sa napkin.  Patuyuin ang mga ito at tabunan ng kaunting lupa ang napkin.  Siguradong magkakaroon kayo ng mga puno ng kamatis, at mayroon pang pwedeng ipamigay sa mga interesadong kaibigan!
 
Hindi kailangan ang malawak na lupa para magkaroon ng hardin.  Ilang paso lang ay sapat na para sa kamatis, strawberries, sibuyas, sitsaro, at sili.  
Maigi kung may dalawang kamatis na tanim: cherry, at regular na klase.  Iyong cherry tomatoes ay parang kendi; masarap papakin pagkapitas!  Kung mayroon kayong kamatis na pang-gisa, hindi na kailangang bumili sa palengke!
 
 
Kung may ilan kayong tanim na sibuyas, madaling gumupit ng dahon nito para sa mga salad o sawsawan, tulad ng pinaghalong manga at kamatis.
Bumili lang kayo ng ilang maliliit na sibuyas, at ilubog sa paso.
 
 
Kung hindi pa kayo nakakatikim ng sariwang sitsaro, you’re missing something!   Malutong, malinamnam, at maraming sustansiya!
Kung walang mabilhan ng buto, humingi ng ilang “magulang” na sitsaro sa palengke,
patuyuin ang buto, at iyon ang ipunla.
 
Ang sili ay madaling alagaan, at maigi kung madaling kuhanin
“diyan lang sa paso” para makapag-timpla ng lutuin.

Ano sa Tagalog ang STRAWBERRY?

Taun-taon, nagtatanim ako ng bagong strawberry. Kasabay iyan ng pagpupunla ko ng mga buto ng kamatis, sili, bitsuelas, sitsaro, atbp.

My 2016 strawberries.  Tuwing may hinog, pinipitas ko at kinakain mismo sa garden, matapos hugasan habang nagdidilig ng ibang tanim.


Hangga’t maiiwasan kasi, hindi ako bumibili sa tindahan ng mga nasabing produkto.  Bakit kaniyo?  Para mabawasan ang konsumo ng mga pananim na ginamitan ng pesticides.  Aminado ang mga magsasaka na malakas silang mag-apply ng iba’t-ibang gamot sa tanim para labanan ang mga insekto at panatilihing ” maganda” ang itsura ng ani.

 
Sa bilihan ng tanim, kasunod ko sa pila ang isang ginang na nagsasalita ng espanyol sa kasama niyang tin-edyer; malamang tubong Mexico sila.
Tanong ko:  “Senyora, como se dice ‘strawberry’ in espanyol?”
 
Sagot niya: “Fresas.”
 
Ako naman: “Ah, si. Muchas gracias, Senyora.”
Siguradong alam ninyo na napakaraming salitang Kastila ang ginagamit sa ating pang-araw-araw na usapan.
Bakit kaya Ingles na pangalan ang palagiang gamit natin kung tawagin ang strawberry?
Hayan, something to think about…  Sabihin ninyo sa akin ang dahilan!
Ang tanim na strawberry ay laki sa maraming lugar.  May mga “ligaw” na uri nito sa Amerika, Europa, at iba pang bahagi ng mundo.
 
Ang kilala nating strawberry ngayon ay pinagsamang mga tanim mula sa Katimugang Amerika at sa bansang Chile.  Ayon sa ulat, ang dalawang nasabing tanim ay nasa isang hardin sa Brittany, France, kung saan sila nag cross-breed.  Ang resulta: isang tanim na mas malusog kaysa sa dalawang pinagmulan, at malalaki ang mga mahalimuyak at masarap ng bunga.
 
 
Saan naman galing ang pangalan nito?  Huwag nating isipin ang “straw” tulad ng pansipsip ng softdrinks  o mga ginikan sa bukid.  Ang ideya ng “straw” sa strawberry ay galing sa pagiging nakakalat ito sa bukirin (“strewn about”), dahil lumalago ito sa pamamagitan ng nag-uugat na “runners” na nagiging mga bagong tanim.
 
 
Sumahin natin: tinawag siyang strawberry dahil ang mga tanim ay “strewn about” o naglipana sa bukid.  

Sa modernong pagsasaka, maayos na ang pagtatanim nito, pila-pila sa bukid para madaling anihin.

My TSOKOLATE Eh!

Inggit na inggit ang dati kong ka-eskwela nang i-text ko sa kaniya ang litrato ng almusal ko kamakailan.  Tingnan ninyo naman!  Tsokolate Eh at piniritong saba.  Gaano pa ba ka-Pinas iyan! 

Super-linamnam ang inuming kong pang-agahan.  Pwedeng isawsaw ang saging na saba, dahil malapot ang tsokolate.
Na-homesick tuloy si kaibigan, na nakatira sa Bentonville, Arkansas.  Hindi raw siya marunong gumawa ng tsokolate Eh at walang makikitang saging na saba sa mga bilihan ng pagkain doon.
 

Ano ba ang kaibhan ng tsokolate Eh sa tsokolate Ah?


Ang sagot sa tanong na iyan ay makukuha natin sa nobelang Noli Me Tangere, na ikinatha ni Dr. Jose Rizal.
Ang ibig sabihin ng Eh ay “espeso.”  (Kung baga sa kape ay espresso, o matapang ang timpla.)
  
Iyong tskolate Ah ay “aguado” o matubig.  (Sa madaling salita, malabnaw ang timpla; hindi malasa!)
 
Heto ang sistema ko sa paggawa ng tsokolate Eh:
 
1.  Magsukat ng isang mug na gatas;
pwedeng galing sa galon,
o kalahating evap at kalahating tubig,
o powdered milk na tinunaw sa tubig.
2.  Ilagay ito sa maliit na lutuan at painitin
sa low heat.  Huwag pakukuluin!
 
3.  Kapag medyo mainit na ang gatas, ihulog ang 1 o 2 tablea ng tsokolate, depende sa panlasa mo.
Pwedeng gamitin ang tableang binili sa palengke,
o iyong galing sa probinsiya ninyo.


http://www.confessionsofachocoholic.com/wp-content/uploads/2012/01/tablea.jpg
 
 
Ang ginamit ko ay 2 kwadrado ng 100% cacao, tulad na nakalarawan dito:
Sale sa supermarket, $1.99 isang pakete, kaya nag-imbak ako.  Limang mug ng tsokolate Eh ang magagawa ko sa isang pakete.
4.  Timplahan ng isang matambok na kutsaritang asukal, haluin hanggang matunaw .  Huwag pakukuluin!
 
5.  Isalin ang timpladong hot chocolate sa mug.

Pa-ibabawan ng kaunting evap mula sa lata, para creamy ang dating.

 

YUM talaga!

The Marketing of KIWIFRUIT

My best friend Mark has a bad cold.  I told him to follow what the father of medicine, Hippocrates, said:  “Let your food be your medicine.”  And so I gave him a bowlful of KIWIFRUIT.

 

Globalization for you:  these kiwifruits which I bought at a Mexican market were imported from Italy!
Many people call them kiwi, and that’s not correct.  A kiwi is a flightless bird; it’s the national symbol of New Zealand, and it looks like this:
birdsguide.blogspot.com/2012/11/kiwi.html
The shape of the bird and the texture of its feathers
kinda resemble the kiwifruit.

The word kiwi is also used to refer to the people of New Zealand; it’s a moniker that they don’t begrudge.  Read this snipet from a news item about the America’s Cup sailboat race in 2013:

The Kiwis crushed the momentum Oracle gained with its heart-stopping win in Race 4 on Sunday.  Team New Zealand leads 4 to minus-1 and needs five more wins to claim the oldest trophy in international sports for the Royal New Zealand Yacht Squadron.

 
 
The kiwifuit used to be called Chinese gooseberry, for indeed it is a native of that country.  It was cultivated in New Zealand beginning 1904, when a missionary brought some plantings after visiting China.  The first tasters thought the fruit reminded them of gooseberries, and so they called them Chinese gooseberries
File:Gooseberries.jpg

Although kiwifruit has gooseberry flavor, it is not related to the said fruit, shown above.

 
The name change — from Chinese gooseberry to kiwifruit — happened in 1959.  The New Zealand produce company Turners & Growers, facing a marketing “problem” because it was the height of the Cold War, announced that it would be exporting the produce as “kiwifruit.”  The promoters took the Maori name of a local bird which bears some similarity to the mature fruit.  (The Maoris, as you probably know, are the native peoples of New Zealand.  They call the local bird “kiwi” after the sound of its call.)
Worldwide cultivation, however, has initiated another name change.  To distinguish New Zealand kiwifruit from the same product being sold by Italy, Greece, Chile, France, and the United States, many NZ exporters now call them  Zespri.
The dramatic appearance of sliced kiwifruit makes it a favorite for many desserts, such as the trifle below.