Jicama, SINGKAMAS

Ang siyudad ng Padang, Indonesia ay nasa kanlurang baybayin ng islang Sumatra.  Mula sa Maynila, ang layo nito ay mga 2,850 kilometro o 1,771 milya.
 
Di umano, akala ng mga taga-Padang ay katutubong tanim sa kanila ang bengkuang, na sa atin ay kilala sa pangalang singkamas.  Laganap daw sa kanlurang Sumatra ang tanim na ito. 
 
Sabihin nga natin ng ilang beses ang dalawang salita:  singkamas, bengkuang… singkamas, bengkuang.  Para sa akin, may hawig ang dalawang pangalan, lalo na kung makikita natin ang tawag dito sa ibang nalalapit na bansa sa Asia:
(Ibang lugar sa) Indonesia: bengkowang, bengkoang, bangkuang
Malaysia: sengkuang, mengkuang, bengkuang
Thailand: มันแกว (man kaew)
India: sankalu
Ang ugat ng salita nating singkamas ay ang Kastilang jicama (hi-ka-ma), na hango sa wikang Nahuatl, o Aztec.  Nang dumating ang mga manlalakbay sa pamumuno ni Hernando Cortez sa kinalalagyan ngayon ng bansang Mexico, nakatikim sila ng maraming bagong pagkain, kabilang na ang katutubong xicama.
Patuloy na humanap ng mga bagong lupain ang mga Kastila.  Noong 1521, ang pangkat ni Fernao de Magalhaes ay nakarating sa Leyte, Bohol at Cebu; pagkaraan ng maraming taon, dumating naman ang pamumuno ni Miguel Lopez de Legazpi, na siyang nag-umpisa ng “panahon ng Kastila” sa ating kapaligiran, noong 1565.
Matapos itatag ang kalakalang tawid-dagat (galleon trade) mula Maynila patungong Acapulco, nagkaroon ng laganap na palitan ng mga pagkain, paraan ng pagluluto, mga salita, ideya, pananamit, at iba pang aspeto ng kultura.  Marami ring taga-Mexico ang dumayo at nag-umpisang manirahan sa lugar natin, tulad na paglipat ng mga kababayan natin na nasabing lugar.
So, ang pagkaing singkamas ay dinala dito ng mga Kastila.

Paano napunta sa ibang bahagi ng Asia?

Alalahanin natin na ang Maynila (at Cebu) ay sentro na ng kalakalan bago pa dumating ang mga Kastila.  Ayon mismo kay Antonio Pigafetta (na kasama ni Magellan sa Cebu), may dumating na taga-Siam (Thailand) habang naroon sila.  Ang nasabing dayuhan ay nag-alay ng buwis sa hari ng Sugbu upang payagan itong makipag-kalakalan.

Nang maitatag ang galleon trade, lalong dumalas ang “buy and sell” ng iba’t-ibang bagay. Mas maraming negosyante ang nagsipunta sa Maynila at Cebu upang magtinda ng mga bagay na isasakay sa malaking barko na tatawid ng Dagat Pasipiko.  Sa ganitong kontak nagkaroon ng pagkakataon para mapalaganap ang singkamas sa Indonesia, Malaysia, Thailand, India, atbp.
.
Sa highway papuntang northern Luzon, makikita ang mga nagtitinda ng mga bungkos ng singkamas.  Ganoon din sa Mindanao section ng Pan-Philippine Highway, na bumabagtas sa mga lalawigan ng Surigao, Agusan, Davao, Cotabato, Sultan Kudarat, Maguindanao, Lanao, at Zamboanga.  Kuha ang litratong ito sa North Cotabato, kung saan ang presyo ng isang bungkos noong 2014 ay P100 (o $2.50).
Advertisements

One response

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s